top of page
Sinalakay ng mabangis na nilalang ang Sitio Cabado ng hindi pa nakikilalang salarin. Isang buntis ang kanya sanang bibiktimahin ng gabing iyon. Ngunit hindi umayon sa kanya ang pagkakataon sapagkat dumating ang asawa nitong si Berting upang sakluluhan ang magiging biktima sana niya.
Nalaman ng mga taga Sitio Cabado ang tungkol sa babaeng halimaw. Ganoon na lamang ang silakbo ng kanilang damdamin at ibig nilang paslangin ang babaeng iyon. Dahil dito nagpasyang lisanin ng babaeng halimaw ang lugar na iyon. Sapagkat maaari siyang magapi ng mga tao roon gayong hindi niya napaghandaan ang pagsalakay ng gabing iyon.
Kinaumagahan, ganoon na lamang ang pagtataka ni Crisanta nang makita ang anak na puro pasa at galos. Hindi naman malaman ng dalaga ang kadahilanan ng biglaang pagkakaroon niya ng mga pasa at galos sa kanyang buong katawan. Ikinagulat din ng kasintahan ni Santa na si Alberto ang natamong pasa at galos ng nobya. Bagamat may pag-aalinlangan ang binata sa kasintahan sa naging kalagayan nito ay piniling isinantabi iyon ni Alberto, dahil naniniwala siya sa naging pahayag ni Santa.
Hinarap ng buong sitio ang babaeng halimaw nang buong tapang. Nilabanan ang takot sa kani-kanilang mga puso�t isipan subalit marami pa rin sa kanila ang hindi nagtagumpay matapos kainin ng babaeng halimaw.
Pumailanglang sa kalangitan ang putok ng baril na hawak ni Alberto, hindi niya akalain na matatamaan sa dibdib ang halimaw na iyon at isang nakagigimbal na pangyayari ang nag pangilabot sa buong sitio nang sumapit ang bukang-liwayway. Nasaksihan nila ang katotohanan na si Santa lamang ang nakaaalam.
Tumago ka na! Paparating na siya!

Santa Catalina - Dust Jacket

SKU: DJAG1951
₱559.00Presyo
  • Rojo Boy Gamino
bottom of page