Sinulat ni Treena Millenas
Ang mga naghahangad na manunulat ay dapat maging handa na magsikap sa maraming larangan at may kaalaman kung paano umiikot ang palimbangan (Publishing House). Ang pagsulat ng iyong libro ay hindi magiging madali. Kung nasisimulan mo na o nasa gitna ka niyan ngayon, alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. Alam mo na ang posibleng maging butas at harang na iyong kahaharapin upang matapos lamang ang iyong akda. Ngunit siyempre, sa pagsusulat mong ‘yan ay maaaring magbukas ng ilang kamangha-manghang mga posibilidad para sa iyo. Una na rito ang ma-publish ‘yang iyong sinusulat. Pangalawa, ito ay isang uri ng karerang mahal mo. Pagatlo, nakakaapekto sa mga tao at mambabasa ang iyong sinusulat. Pang apat, maaari itong magbukas ng atensyon sa social media at magiging isa ka sa kilalang nobelista. At pang lima, ito’y magbubukas ng pinto sa’yo upang magdagdag ng kita.
Ang unang dapat harapin ay maging isang malikhain at maging sanay sa pagbuo ng magagandang ideya sa kuwento, pagpino ng mga kasanayan sa pagsulat, at pagtulak sa anumang kaganapan ng manunulat upang matapos ang unang aklat na iyon. Bilang karagdagan, ang isang matagumpay na manunulat ay dapat umunlad sa ibang larangan: pag-lakbay sa industriya ng pag-lathala. Malawak ang pag-unawa ng isa isa sa kung anong ibig sabihin ng isang manunulat. Kagaya nito, malawak rin ang panitikang kanilang sinusulat at ginagawa. Subalit, ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng manunulat at ano ang kaibahan nito sa isang nobelista?
Base sa aking pagsasaliksik; ang manunulat ay isang taong gumagamit ng mga nakasulat na salita sa iba't ibang istilo at pamamaraan upang maiparating ang mga ideya. Ang mga manunulat ay gumagawa ng iba't ibang anyo ng panitikan at malikhaing pagsulat tulad ng mga aklat, nobela, maikling kwento, blog, travelogue, dula, screenplay, tula, iskript, telepathy, sanaysany at kanta. Gayundin ang iba pang ulat at artikulo ng balita na maaaring maging interesado sa publiko. Ang mga teksto ng mga manunulat ay nai-publish sa isang hanay ng media.
Ang mga bihasang manunulat na may kakayahang gumamit ng wika upang maipahayag nang mabuti ang mga ideya na kadalasang nakakatulong nang malaki sa kultural na nilalaman ng isang lipunan. Sa kabilang banda, ngayo’y naibigay na ang ibig sabihin ng manunulat, ano naman ang ibig sabihin ng isang nobelista at ano ang ginagawa nito kaibahan sa isang tipikal na manunulat?
Hindi na ata mawawala sa bawat manunulat ang pagsasaliksik sapagkat hindi ka maaaring maglapag lamang ng impormasyong kulang ka sa kaalaman at hindi sigurado. Kaya naman ayon sa aking impormasyong nakalap; ang nobelista ay isang may-akda o manunulat ng mga nobela, bagaman kadalasan ang mga nobelista ay nagsusulat din sa iba pang mga genre ng parehong fiction at non-fiction. Ang ilang mga nobelista ay mga propesyonal na nobelista, kaya't nabubuhay ang pagsulat ng mga nobela at iba pang kathang-isip, habang ang iba ay naghahangad na suportahan ang kanilang sarili sa ganitong paraan o magsulat bilang isang abokasyon.
Karamihan sa mga nobelista ay nagpupumilit na mailathala ang kanilang unang nobela, ngunit kapag nai-publish na sila ay madalas na patuloy na nai-publish. Bagama't kakaunti lamang ang nagiging sikat na manunulat, sila lamang ang nakakakuha ng prestihiyo o malaking kita mula sa kanilang trabaho. Kung ang nalathalang pisikal na libro ang naghaharang sa isang manunular ar nobelista ay hindi ito dahilan upang ipagkumpara silang dalawa sapagkat; sa kahit anong aspekto mo tignan ay malaki pa’rin ang pagkakapareho nila sa isa’t isa. Lumilika sila ng isang bagay na mamaaring maging malaking tulong sa isang mambabasa, mananaliksik at sa lipunan.
Bago mo tunay na malaman ang mga tips kung paano maging isang matagumpay na may-akda o isang nobelista, kailangan mo munang sagutin ang isang mahalagang tanong. Bilang isang manunulat, ano ang tagumpay para sa’yo? Ito ba’y maisalibro ang iyong akda? Ito ba’y magkaroon ng malaking benta ang iyong libro? Ito ba’y ang itampok sa media ang iyong pagkakakilanlan? Paano ang tungkol sa mga papuri mula sa mga madla na nakarinig sa iyong magsalita? Nakatanggap ng tawag mula sa isang publisher sa Pilipinas at ilathala nito ang iyong mga sinulat? O di kaya’y, nasa listahan ng Best Selling Books sa National Bookstore ang iyong libro? Alin sa mga ito?
Nasa isa ba sa mga sinabi ko ang paningin mo upang maging isang matagumpay na manunulat at nobelista?
Ang pagsusulat ng fiction sa isang nobela ay isa sa pinakakasiya-siyang anyo ng masining na pagpapahayag ng isang manunulat. Gayunpaman, maraming mga manunulat na may husay para sa malikhaing pagsulat at maaaring madaig ng maraming mga nobelista sa pagkuha ng karera sa pagsusulat. Ang tagumpay ng pagkumpleto ng isang unang nobela ay kahanga-hanga, ngunit hindi lamang dito hihinto ang lahat. Ibig sabihin, ito pa lamang ang magiging isang simula at pagsisikap mong maging isang nobelista. Sa magiging malawak na tips na ito, ang layunin ko bilang isang manunulat ay bigyan ka ng tapat na pagtingin sa kung paano maging isang matagumpay na nobelista base sa mga aral na natutunan ko at aking nasaliksik mula noong ako’y magsimulang magsulat. Narito ang mga tips upang iyong maging gabay sa pagnanais na maging isang mapagumpay na nobelista at manunulat.
1. Sumali sa isang Komunidad ng mga Manunulat
Napa-legit nito at effective. Marami kang malalamang impormasyon sa kapwa mo manunulat at gustong maging nobelista sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi ka nag-iisa sa mga problemang akala mo ay ikaw lamang ang nakakaranas bilang isang manunulat. Tingin mo ay kaya mo lamang matuto mag-isa? Siyempre kailangan mo ring makihalubilo sa mga taong ginagawa rin ang hilig at gusto mo. Mas magiging masaya ang paglalakbay mo sa pagsusulat kung marami kang nakikilalang tao at parehas pa kayo ng mga pinagdadaanan. Halos lahat ng tradisyonal na nai-publish na may-akda na kilala ko ay bahagi ng isang kapaki-pakinabang na komunidad. Iyan ang isang paraan ng kanilang pakikitungo sa pagbibigay ng kanilang mga saloobin bilang manunulat. Kagaya na nga lang ng pagkadismaya sa pagsusulat, panghihina ng loob magpatuloy, pagpapaliban sa pagsusulat at higit sa lahat ay gusto ng huminto dahil nawawalan na ng gana. Hindi pa man marami ang aking naisusulat ngunit sa yugtong ito, ang ibig sabihin ng komunidad ay makakapagbigay ako ng mga ideya sa mga kasamahan kapag kailangan ko.
Ganoon din sila, malaya silang magbibigay ng saloobin at mga kaalamang nararapat lamang na malaman ng mga manunulat. Sa hakbang na ito ay maghanap ka ng mga taong nasa parehong punto ng iyong karera sa pagsusulat tulad mo at regular na makipag-usap para basahin ang gawa ng isa't isa at magbigay ng feedback dito. Ang paglinang ng isang komunidad ng mga kapantay ay maaaring maging napakahalaga, lalo na kapag sinusubukan mong kumpletuhin ang isang ambisyosong proyekto tulad ng isang nobela sa unang pagkakataon. Matutulungan ka ng mga grupo ng mga manunulat na manatiling disiplinado at bigyan ka ng mga kapaki-pakinabang na tala, mga tip sa pagsusulat, at mga pag-edit. Sa ganitong hakbang ay mapapansin mo na ang unti-unting pagbabago mo bilang manunulat at nagka-kaibigan ka pa ng isang manunulat.
2. Palaging Magplano at Manaliksik
Upang maganap ang tinatamasa mong maging isang matagumpay na nobelista at manunulat; kailangan mong maghanda sa kung ano ang gagawin mo. Mula sa pagbubuo ng istorya at manuscript hanggang sa kadulo-duluhan ng pagkakaroon mo ng libro. Para mabigyan ang iyong manuskrito ng pinakamagandang pagkakataon na magtagumpay, huwag laktawan ang hakbang na ito. Ang mahusay na paghahanda ay maaaring gumawa o masira ang iyong libro. Meron lang naman tayong dalawang pangunahing paraan ng paghahanda ng iyong susulatin:
Una na rito ang Balangkas o Plot. Hanuman ang pakiramdam mo tungkol sa pagbabalangkas, kailangan mo ng ideya kung saan ka pupunta bago ka magsimula. Kung saan ka matatapos at magwawakas. Kung nagsusulat ka ng nobela, isa ka mang Pantser ( isang uri ng manunulat na kung saan ay nagsusulat sa isang upuan lamang. Subalit kung ika’y nagsusulat ng isang nonfiction na libro, kailangan mong magbalangkas.)
Sa panig ng fiction, ang mga Panters ay sumusulat sa pamamagitan ng proseso ng pagtuklas at paglalakbay sa hindi planadong paraan. Sa kabilang banda, kung isa ka namang Outliner at nobelista, magiging mas madali ang salok ng iyong pagsusulat sapagkat nakaayon na ang lahat sa magiging simula at pagtatapos ng iyong akda.
Pangalawa sa tips na ito, gawin ang pananaliksik. Ang mga mahuhusay na kwento ay maaaring malunod sa hindi gaanong matatag na pananaliksik. Nararapat lamang na maaalam ka sa mga bagay na iyong sinusulat upang maiwasang magkamali ng impormasyon. Kung ang iyong karakter ay isang Doctor ay kailangan mong iparamdam at idetalye sa mambabasa kung paano kumilos ang isang Doctor. Kung ang character mo naman ay isang may ari ng kilalang company ay ganon din ang nararapat mong gawin, kailangan mong iparamdam sa mambabasa ang kapangyarihang meron siya sa kanyang mga aplikante. Isawsaw at ibabad mo ang iyong sarili sa mga detalye ng iyong setting. Kailangan mong damhin ang mundong iyong ginagawa, Ang katumpakan ay nagdaragdag ng lasa at pagiging tunay. Kunin ang mga ito ng mali at hindi angkop; sa huli, ang iyong mambabasa ay nawawalan ng gana, at interes sa pagbabasa ng iyong sinusulat.
3. Bumuo ng Pangalan Online Bilang Manunulat.
Marami na ang manunulat na naging nobelista ang nakilala muna sa social media at writing platforms bago maging isang matagumpay na manunulat. Karamihan ay nagsimulang magsulat sa Facebook, Twitter, Wattpad at sa marami pang ibang pamamaraan online. Bahagi na talaga ng pagiging isang matagumpay na manunulat ay ang pagmemerkado sa iyong sarili. Ang pagkukusang gumawa ng timpla ng presensya sa online community. Sa pagkakaroon ng matatag na presensya sa online ay maaaring maging mahalagang bahagi ng self-marketing, maaaring lumago ang iyong pagkakakilanlan upang manunulat at mapansin ka ng mga publishing house sa pilipinas. Tiyaking napapanahon ang iyong website at puno ng mga sample ng iyong pinakamahusay na gawa. Kadalasan, ang online presence ng isang manunulat ay maaaring ang bagay na umaakit sa mga tradisyunal na publisher at mga publishing house na naghahanap ng mga bagong boses. Sa paggawa nito ay hindi ka lamang makikila, gagawa ka pa ng pangalan upang mapansin at maisakatuparan ang pagiging matagumpay na nobelista
3. Maging Iyong Sariling Editor
Hindi lang isang Self-Editor kundi maging isang mabangis na Self-Editor. Napakahalaga ng tip na ito sapagkat may kapangyarihan itong tukuyin kung tama ba ang ginagawa mo o may mali sa tumpok ng pagtanggi ng isang editor at publishing house. Magseryoso tungkol sa pag-edit sa sarili. Alam ng mga editor mula sa unang pahina o dalawa kung sulit na ituloy ang iyong manuskrito. Alam kong hindi iyon patas o lohikal. Alam kong bumibigat o sumasama ang iyong loob tuwing natatangihan ang pinaghirapan mong akda. Iniisip mo, walang patutunguhan ang iyong sinusulat tuwing mangyayari ito, Sa katanuyan, tiyak akong mga buwan, marahil mga taon mo ‘yan ginawa upang magsulat ng daan-daang mga pahina at hindi mo man lang nakuha ang iyong hinahangad. Paano nila nagawa iyon sa iyo? Bakit sila? Alam ba nila ang takbo ng istoryang ginawa mo?
Alam ko ang pakiramdam na ganyan subalit, una, ang magagandang bagay ay dapat na lumitaw mula sa unang salita. Dapat unang pahina palang ng iyong manuscript ay makukuha na ito agad ang mga attention nila. At kung makakita sila ng 10 kinakailangang pagsasaayos sa unang dalawang pahina, alam nila na ang halaga ng pag-edit ng tatlo o apat na raang pahina nito ay kakain ng anumang kita na inaasahan nila. Upang maiwasan ang nakakatakot na pagtanggi sa iyong pinaghirapan, ang iyong manuskrito ay dapat na payat, hindi masamang basahin dahil mga maling salita at higit sa lahat; kailangan ay maayos na itong basahin nang paulit ulit.
4. Kilalanin ang Iyong Audience
Unang una na kailanga sa mga manunulat ay alamin ang kanyang genre at kung ano ang mga edad ng mambabasang salok dito. Kapag natukoy mo na ang iyong genre, tukuyin ang mga mambabasa na gusto mong basahin ang iyong aklat. Kailangang malaman ng mga ahente at publisher ang audience na iyong tina-target para mai-market nila ang iyong libro. Kailangan ay alam mo rin kung kanino iiwas sa mga sensitibong bagay at sino sinong maaaringg makabasa nito. Subalit, labanan ang tukso na sabihin na ito ay para sa lahat. Sa katunayan, nakatutukso na magtaka kung sino ang hindi gustong basahin ang iyong gawa. Pero ang totoo, ang ganyang pag-iisip ay parang baguhan ka at hindi pasok sa mga ganitong bagay. Kahit na ang mga bestselling na libro ay hindi nakakaakit sa lahat. Nararapat na magsaliksik ng mga libro sa iyong genre. Dapat mong basahin ang dose-dosenang mga ito upang malaman ang mga kumbensyon at inaasahan ng mga mambabasa. At sino ang mga mambabasa? Pangunahing Lalaki o Babae? Pag-aralang mabuti ang istora.
Sapagkat, saklaw ng edad ang background ng iyong sinusulat. Maaaring ito ay pang-edukasyon, libangan, karahasan at pamumuhay na maaaring magbigay ng aral sa lahat. Kilalanin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng iyong social media, personal account mo sa isang writing site o di kaya sa mismong gawa mong website. Dito pa lamang ay magbubukas na ang mga mata mo sa mga dapat limitahan mambabasa kaibahan sa mga ipinaglaanan mong madla.
#Tips #Manunulat #MatagumpaynaNobelista #WritingCommunity #Tagalog #KaalamangPagsusulat #UkiyotoPublishing
Σχόλια