Ang antolohiyang ito na pinamagatang �Ang mga Kuwentong Naglalakbay Patungo sa Mundo ng mga Batang Ligaw� ay ang aking ikalawang aklat na nailimbag sa pamamagitan ng Ukiyoto Publishing. Taglay nito ang limang maiikling kuwentong nauukol sa mga bata na isinulat ko sa iba�t ibang panahon ng aking buhay. Ang isang kuwento rito�y isinulat ko pa noong taong 2018 at inilaban ko sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong taong 2023 para sa kategoryang Maikling Kuwentong Pambata ngunit hindi pinalad na manalo. Dalawa sa mga kuwento rito�y isinulat ko rin noong taong 2019, ngunit naitago ko lamang ang mga ito at hindi naipabasa sa loob ng ilang taon sa iba. Dalawa rin sa mga kuwento rito�y nagkamit ng parangal at hinirang na �Creative Short Story of the Year� para sa taong 2024 at 2025 sa ginanap na taunang The Instabright National Literary Awards. Mapapansin ng isang mapanuring mambabasa na naiiba ang istilo ng aking pagkakasulat sa mga kuwentong nakapaloob sa aklat na ito at tila ba hindi sumunod sa tradisyunal na istruktura ng isang tipikal na kuwentong pambata. Nais kong maunawaan ninyo na ito ang aking istilo sa pagkatha at ito rin ang mga pamamaraan ko sa pagsulat: May bumabalot na kalungkutan, may mga pasanin at pangamba, may malalim na agam-agam sa kawalan, may mga namumuong tanong sa isipan, may mga pagdaramdam sa puso, taglay din ng aking mga akda ang mga inihalong prinsipyo, pilosipya at paniniwalang ibinaon sa loob ng puso at isipan. Hayaan ninyong lakbayin kayo ng mga natatanging kuwento sa antolohiyang ito tungo sa naiibang mundo ng mga batang ligaw, halina�t maglayag tayo sa pamamagitan ng ating imahinasyon tungo sa kaibuturan ng kanilang mga puso, damdamin at isipan. Halina�t tuklasin natin ang mga hiwagang nakapaloob sa kanilang mga kaluluwa. Maligayang pagbabasa!
Ang mga Kuwentong Naglalakbay Patungo sa Mundo ng mga Batang Ligaw
₱433.50Presyo
- John Harold O. Francisco
- All items are non returnable and non refundable

