top of page
Ang pamagat na "BURA'T 'di na ata 'to mabasa" ay may dalawang antas ng kahulugan na siyang pundasyon ng ika-4 na koleksyon ng mga tula ng kalibugan at kalaswaan ni W. J. Manares.
Sa isang banda, ang salitang "burat" ay kolokyal na pangalan ng ari ng lalaki, isang direktang pagtukoy sa temang erotiko na patuloy niyang tinatalakay simula pa sa kanyang mga naunang akda sa serye: BetLog, Bulbul, at Buto. Ang mga ito ay binubuo ng mga tula na naglalarawan ng pagiging totoo ng damdaming senswal at sekswal ng tao, na inilalabas bilang mga "dagta mula sa puso at puson," mga damdaming kusang lumalabas kahit na subukang pigilan.
Sa kabilang banda, ang pamagat ay nagbibigay-diin din sa kahulugang "burado at hindi na yata ito mabasa". Ito ay sumasagisag sa mga karanasan, damdamin, at katotohanan na kadalasan ay itinatago o binubura sa lipunan, mga usapin at bagay-bagay na tila hindi na mababasa o maunawaan ng marami. Ngunit, kahit na mawala ang mga salita o mabulok ang mga titik, ang kahalayan na ipinadama ng mga tula ay mananatili at lalalim pa sa pagkatao ng mambabasa.
Paulit-ulit na Paalala! Ang akdang ito ay ipinagbabawal sa mga bata at sa mga isip-bata. Ang mga tema at wika rito ay may kalaliman na maaaring hindi maunawaan ng tama kung walang sapat na pag-unawa sa mga isyu ng pagkatao, relasyon, at laman.
Abangan ang susu-nod na kabanata: "BLAT (Bakit Lagi Akong Tahimik)"

Bura't

₱408.00Presyo
Quantity
  • W. J. Manares
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page