Si Maria Clara ay isang piksyunal na tauhan sa nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Gat. Jos� Rizal. Siya ang sagisag ng huwarang dalagang Pilipina sa panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Bukod sa pagiging mayumi at mahinhin, inilarawan si Maria Clara bilang isang mapagmahal at masunuring anak ni Kapitan Tiyago, at isang babaeng tapat at deboto sa relihiyong Katoliko. Ang akdang ito ang magsisilbing tulay upang mailahad ang mga pagbabagong dinaanan ng ating bansa, kasabay ng pagbabagong-hubog sa papel at kamalayan ng kababaihan sa makabagong panahon. Ito rin ang magiging lente ni Maria Clara sa pagtawid sa isang kinabukasang hindi na niya nasilayan. Sama-sama nating tuklasin kung paano niya haharapin ang bawat yugto at kung ano ang magiging tugon ng kanyang kamalayan sa bawat kabanata ng aklat na ito.
Si Maria Clara sa Makabagong Pilipinas
₱459.00Presyo
- Jeramie Joy R. Santiago
- All items are non returnable and non refundable

