Sa mundong sanay magtanong ng �Anong grade mo?�, �Kasama ka ba sa honors?� at �Bakit bumaba?�, madaling isipin na ang halaga ng isang tao ay nasusukat sa mga numerong nakalagay sa papel. Para sa isang estudyanteng buong buhay na nagsisikap maging magaling, ang grades ay hindi na lang grades. Naging dahilan ito para maramdaman niyang may halaga siya, para maging proud ang mga taong mahal niya, at para maniwala siyang may mararating siya. Pero habang tumataas ang expectations, mas lalo ring bumibigat ang tanong: Paano kung hindi ako magaling? Sino ako kapag wala nang medalya, mataas na score, o pangalan sa listahan? Isang kuwento tungkol sa academic pressure, paghahambing, takot sa pagkakamali, at sa unti-unting pagkatutong hindi lahat ng bagay kailangang pagalingan, suklian, o bigyan ng grade. Dahil minsan, kailangan mong huminto, tumingin sa paligid, at tanungin ang sarili mo: �Kumusta naman ako?�
Sino Ako Bukod Sa Numero?
₱663.00Presyo

