Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa isang panahon. Minsan tag-init ngunit madalas sa buhay ni Amirah Han ay tag-ulan. Hindi akalain ni Amirah na bigla na lamang magbabago ang masaya niyang buhay simula nang iwan siya ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kabila ng matinding bagyong dumating sa buhay niya ay pipilitin niyang magpatuloy sa buhay upang tuparin ang kanyang mga pangarap. Isang natatanging pangarap na magkaroon ng kaligayahan at kapatawaran mula sa iniwang bakas ng nasira nilang pamilya. Kahit mapait man ang buhay para sa kanya ay pipilitin niyang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit ang pangarap na iyon ay ang maglalagay sa kanya sa mas matinding pagsubok at mas malakas na bagyo sa kanyang buhay. Paninisi at panunumbat ang maririnig niya sa mismong mga kadugo niya. Pagmamaliit ang kanyang mararanasan mula sa mga tao sa eskwelahan dahil sa kanyang mahirap na kalagayan. Hanggang sa dumating ang dalawang lalaking magkakaroon ng malaking papel sa kanyang buhay. Si Rhaiven Ortega na basag-ulo at may magandang buhay at si Calvin Evangelista na handang magsakripisyo at tunay kong magmahal. Sino sa dalawa ang handang samahan si Amirah sa gitna ng ulan, o mas pipiliin parin ba ni Amirah ipagsawalang-bahala ang nararamdaman para makamit ang tunay na pangarap na maging maligaya at magpatawad?
Tears in the Rain
SKU: 9789354906695
₱918.00Presyo
- Lady Abbys