Bilang isang kabataan, hanggad lang ni Vincent na makatulong sa kapwa kabataan niya. Bilang isang mental health advocate, para bang obligado at responsibilidad niyang tulungan ang mga iyon. Ngunit, paano kung sa pagtulong niya ay ang ikapapahamak niya? Paano kung siya naman ang malagay sa ganoong sitwasyon? May magagawa ba siya o magpapakain na lang siya sa emosyon? Ngunit, gaano ba kalakasan ang emosyon ng tao? Sa angking kapangyarihan ba niyon ay magagawa niya tayong kontrolin? Isa lang ang posible, kung magpapatalo tayo' tatalunin niya talaga tayo. Ngunit kung nais nating mapagwagian ang emosyong iyon, tayo lamang ang dapat maghandle dito, hindi ang emosyon ang maghahandle sa atin. Sa novellete na ito, makikita natin kung paano haharapin ng binatang si Vincent ang pagkakaroon ng mental health problems sa kabila ng pagiging Mental Health Advocate niya. Saksihan ang istorya niya sa 'The Tale Of Vincent Santiago Babel'.
The Tale Of Vincent Santiago Babel
- S.A.M. Kionisala
- a. Items are non refundable and cannot be cancelled once order is placed.